Thursday, May 17, 2012

Sampo





Sa dibdib nitong tahimik na dagat.
Naghasik ka ng isang maliit na punla
Na ang munting ugat ay naglalagablab.


Pinalagpas mo sa kabilang tenga ang  paalaala
Ng matatanda:  “Ito’y lehetimong krimen.”
Lalo na’t nagluluksa ang lahat  sa kamatayan ni Kristo.

Sumambulat ang dambuhalang bulaklak
Sampung metro ang taas
Sampung metro ang lapad.

Naglitawan ang birtud ng tubig.
At sampung taong nabaog ang dagat.
At sampung taon kang sa sampo mong anak
nagpakain ng  mga isdang inimbalsamo ng  pulbura.

No comments:

Post a Comment